PANITIKAN
*Panitikan
Ang panitikan ay nagsasabi at nagbibigay ng kaalaman patungkol sa damdamin, karanasan, hangarin at ito rin ay paglalarawan lalo na sa pagsulat nh tuwiran o tuluyan.
Ang panitikan ay nagmula sa salitang Pang- titik-an na nagangahulugang literatura( literature) na ang salitang literature ay galing sa latin na litterana nangangahulugang titik.
Ang panitikan ay nagpapahayag din ng tungkol sa lipunan pananampalataya at mga karanasang may kaugnayan ng iba't - ibanh uri ng damdamin.
*Tungkulin ng Panitikan
Ang panitikan ay may malaking bahagi sa ating buhay sa pang araw- araw na gawain man, ito ay nagbibigay ng kaalaman sa atin upang malaman na ang mga naging buhay sinaunag tao, mga kultura, mga nagawa tula at iba pa.kahit sa kasalukuyang kaganapan.
Kailangan natin itong pahalagahan dahil ito ay parte ng ating nakaraan kasalukuyan, hanggang mga dadating panahon.
Kung ano pa natin ay may gampanin din tayo na makita sa atin ang pagpapahalaga natin sa panitikan.
*Dahilan ng Pag -aaral ng Panitikan
Mahalaga na maunawaan natin na dapat nating pag aralan ang panitikan upang mas lalo natin itong biglang pansin at hindi kalimutan kung saan nagmula ang ating mga kaalaman.
1) Upang malaman natin kung ano ang taglay nating katalinuhan mula sa ating lahing pinagmulan.
2) Upang mabatid natin na ang tradisyon na ating ginagawa ay may kinalaman sa ating pinagmulan.
3) Upang ang anumang kapintasan o ng ating panitikan ay maiwasto at mapaunlad.
Marami dahilan kung bakit natin kailangan pag aralan ang panitikan, ang pinaka mahalaga ay hindi natin makalimutan at baliwalain, kundi mahalin natin ang panitikan natin.
*Ang Makabagong Panitikan sa kasalukuyang Panahon.
Kaybilis ng Paglipas ng panahon na kasabay ng madaming pagbabago.Sa panahon natin ngayon na pawang mga teknolohiya ang mga pinaka mabisang gamit.
Kaya naman naging madali ang pagpapahalaga ng mga tao dahil sa kanilang saloobin sa pamamagitan ng teknolohiya dahil narin sa mabilisang prensensiya ng input at feedback nag mga impormasyon sa pamamagitan ng chat, Fb, Twitter, blog, IG, tumbl'r YouTube, e- mail at iba pa.
Kaya naman ang mga libro,dyaryo, magazine at iba pang klase ng limbag na babasahin ay madalang ng nagagamit at nababasa dahil na din sa mabilisang pagbabago idinulot nito sa ating buhay, at lipunan ng teknolohiya, kaya naman ito ay mas lumawak pa ating henerasyon.
*Ang Unang Panitikan sa Pilipinas
Bago nga ba dumating ang mga dayuhan sa ating bansang Pilipinas, Anu - anong ang mga panitikan na ating nakamulatan noong kapanahunan?
Ang Pilipinas ay mayroon nang talagang Panitikan, at ito ay nag mula sa sari- saring mga lipon o Pangkat ng mga tao dumating sa ating kapuluan.At ito ang mga Negrit,mga Indones at mga Malay.
Ito ay nagpapatunay na mayroon ng sistema ng pagsulat at pagsasalita ang bawat Pilipino, subalit karamihan ng mga naisulat ng mga tao sa Pilipinas ay sinunog ng mga kastila.
Alibata ang kadalasang ginagamit, gumagamit din ng biyas nakawayan, talukap ng bunga o niyog at dahon bilang sulatan.
Ang mga uri ng Panitikan noon ay alamay,kwentong bayan, epiko, mga awiting bayan, salawikain, kung kaya't ang ating bansa ay masasabi nating may mga sariling panitikan at hindi lamang nagmula sa mga dayuhan.
*"Problema sa pagtuturo ng Panitikan"
Sa unang pagkakataon, hindi gaanong mabigat ang mga problema sa pagtuturo ng panitikan sa Pilipino. Pinakamadalas mabanggit ang kasaklawan ng materyal na pag-aaralan. Paano nga ba maituturo ang buong kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas sa loob lamang ng isang semestre? Paano mabisang mapalilinaw ang ugnayan ng mga anyong-pampanitikan sa kasaysayan sa loob ng napakaikling panahon?
Kaugnay ng problema ng kalawakan ng materyal ang antas ng pagbibigay diin sa pagtuturo ng mga akda. Anu anong halimbawa ang dapat na gamitin sa klase? Gaano kalalim ang dapat na gawing pagtalakay sa kontekstong historikal ng mga akda? Anu anong mga detalye ng talambuhay ng may akda ang dapat na isali? Gaano kalawak ang pagtatalakay sa tradisyong nagbigay kahulugan sa mga akdang pampanitikan.
"Kahalagahan ng Panitikan sa Lipunan"
Ang pag-aaral ng sariling panitikan ay napakahalaga. Sa pamamagitan nito ay malalaman, madarama at masumpungan natin kung paano nag-ugat at namuhay ang ating mga ninuno.
Malaki ang naitutulong ng panitikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa buhay ng ating lipunan. Unang una, nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao. Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa pag-hulma ng lipunan dahil tinutulungan nito ang mga mamamayan na bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin ang kasalukuyang sistema. Dahil dito, nagkakaroon ng pagbabago sa pangkalahatan ng lipunan na siya namang nagbibigay buhay dito. Dahil din sa Panitikan ay nagkakaroon ng pag-asa ang mga miyembro ng Lipunan upang ipagpatuloy ang kanilang buhay at mga gampanin. Ang panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito.
Sa panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday na ating matatayog at marangal na simulain na naging puhuinan sa pagbuo ng isang lipunan. Higit sa lahat, bilang nga nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating panitikan. At upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito'y malinang at mapaunlad.
"Panitikan sa Pilipinas"
Ang panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pagsulat ng mga damdaming Filipino hinggil sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.
Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namanayaning uri at anyo ng katutubong panitikan. Subalit nakakasama rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa, sapagkay inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinawag ding Panitikang Pilipino ang Panitikan ng Pilipinas dahil kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba't ibang wika sa Pilipinas.
Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan ng naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Ang panitikan sa Filipino at sa iba't ibang wikain sa Pilipinas ay panghabang panahon at masasabing malusog.
"Hindi pag sang-ayon sa pagpapatanggal ng paksang pang Panitikan"
Ang paksang Panitikan ay mahalaga para sa ating lahat, lalo na sa mga mag aaral ng kolehiyo. Nakapaloob sa paksa na ito ang mga bagay na hindi pa natin nalalaman at dapat nating malaman pa dahil marami tayong matututunan tungkol sa ating Lipunan.
Maraming mamamayan ang hindi sumasang ayon sa pagpapatanggal ng paksang pang Panitikan dahil ito ay sariling Wika natin. Ang iba sa atin ay sang ayon sa kadahilanang maraming mag aaral ang hindi natututo tungkol dito. Ngunit hindi rason ang ipagsasawalang bahala na lamang ang paksang Panitikan dahil ito'y sariling atin pa rin. Marami ang nalulungkot dahil hindi lamang naisip ng iba ang kahalagahan ng paksang ito. Hindi lamang ang mga mag aaral ang may kailangang matutunan ito, kung hindi tayo ring mga Pilipino. Mahalaga na ating ipaglaban ang sarili nating Wika.
Ang paksang pang Panitikan ay sadyang napaka halaga lalo na sa mga mag aaral. Mas napapalawak nito ang kaisipan tungkol sa ating Lipunan hindi lamang ng mga mag aaral kung hindi pati na rin ang maraming Pilipino. Malaki ang naitutulong nito sa ating Lipunan, kaya ito ay dapat nating ipagmalaki at paunlarin.
"Ang panitikan sa kasalukuyan"
Ang panitikan ay nagsisilbing tulay para makuha at mabatid natin ang kaugnayan ng kasalukuyan sa nakaraan, upang sa ganoon maharap natin ang darating ng may lakas at talino.
Sa kasalukuyan, iba't ibang paksain sa iba't ibang anyo ng panitikan ang patuloy na pumailanlang. Ito ay dahil sa higit na naging malawak ang karanasan ng mga Pilipino bunga ng maraming pangyayari sa ating bansa. Mababatid na sumasabay ang panitikan sa modernisasyon ng mundo sa pabago-bagong aspekto ng teknolohiya at internet. Ang modernisasyon na ito ang nagluwal sa makabagong anyo sa pamamaraan ng pagtula, pagkukuwento at iba pang anyo ng panitikan.
Dahil dito, nagiging isang kasangkapan ang Panitikan upang masalamin ang kultura at pamumuhay ng pangkasalukuyang lipunan upang mas maintindihan ito ng mga susunod na henerasyon.